Friday, December 22, 2006
Long time, no post ah.
Updates:
* 1.5 ang GWA ko last sem. Dos sa Managerial Accounting at Elementary Statistics. Salamat kay Lord at naka-Dos pa ko. Sabi ko nga sa Kanya, kahit Tres lang masaya na ko eh. Hehe. At dahil diyan, College Scholar pa rin ako. Yey!
* Unlike last semester, araw-araw na ang pasok ko ngayon. Monday, Tuesday, Thursday, Friday at training 'pag Saturday. Pero ang masama niyan, ganun pa rin ang baon. Hehe. Sobrang nakakapagod kasi Linggo lang ako nakakauwi sa Cavite tapos balik na naman ng QC kinabukasan. Para lang akong nakitulog sa bahay namin. Sana kasi yung UP na 'yan nasa Coastal lang eh.
* Nag 2nd-term ako sa UP Corps of Sponsors (UPCOS)! 19 na kami ngayon - 7 na 2nd-termers at 12 na bagong bago at fresh na fresh. Hehe. The more the merrier! =)

Wacky naman! Wacky!
* Nag-caroling kami ng orgmates ko sa UPCOS bago magbakasyon para makapag-raise ng funds. Nakakuha kami ng P10000+ + sa 4 na gabing pagkanta na wala naman sa tono. Haha.
* Nagpunta kaming Puerto Galera sa subject kong T114 last sem. Ayun, masaya. =)



With our professor, Sir Cruz. =)
* Once a Sigma Alphan, always a Sigma Alphan.
* Hindi ko napanood yung Oblation Run ngayon. Meron kasi kaming Christmas Party sa isa kong org kung saan binigyan kami ng tig-iisang hamon. Hehe. Pero ano bang makukuha ko 'pag nanood ako ng Oblation Run na 'yan? Wala naman. Makikigulo lang ako sa mga tao. Titili. Sisigaw. Makikipagsiksikan. Tapos 'pag andiyan na sila, titingin sa baba. Tapos titili ulit. Waaah! Tapos kukuha na ng pictures bilang remembrance. Haay. 'Langyang hamon 'yan.
* Ang labo nung Lantern Parade. Iilang colleges lang ang nag-parade kasi dapat wala na talaga dahil may banta raw ng terorismo sa loob ng campus nung araw na 'yun. Pero may ibang colleges pa rin ang nag-parade tulad ng CFA, NCPAG at AIT. Ang gulo tuloy at hindi ganun kasaya tulad ng dati.
* Napakahusay ng lanterns ng College fo Fine Arts! Yey! May malaking palayok, tirador, nagsasayaw na canned goods, jackstones at marami pang iba.

* Nung Lantern Parade, may nakausap akong taga-GMA. Andun kasi sila para i-cover yung mga estudyanteng nagra-rally, pati na rin yung Lantern Parade. Ewan ko kung anong trabaho niya. Basta, sa technical stuff. Ganito ang aming usapan:
- Kuya: (Sa katabi niya) Pare, kamuka nito si Miriam Quiambao oh.
- Adz: (Overhears) Kuya, hmm, mga pang-lima na kayong nagsabi niyan sakin. Hehe.
- Kuya: Ah, talaga. Hawig mo nga eh.
- Adz: Hehe. Kuya, nakikita mo ba si Vic Sotto sa GMA?
- Kuya: Siyempre naman.
- Adz: O sige kuya, sabihin mo "Hi" ah. Hehe.
- Kuya: Sige ba. Hehe.
* Hindi uuwi si erpat ngayong Pasko. Balak niya kasing umuwi ng masmaaga sa summer para makapunta sa graduation ng kapatid ko.
* Aprubado na ang Tuition and Other Fee Increases (TOFI) sa UP. Dahil diyan, P1000/unit na ang tuition ng incoming students next year!
* I am currently reading "I Kissed Dating Goodbye" by Joshua Harris. Regalo sakin ng monito ko sa isang Christmas party sa org. Nabasa mo na ba? Anong masasabi mo sa mga pinagsasasabi ni Joshua? Hala. Close? First name basis?

So far, so good. Masisipag ang mga bata. May initiative. Yung mga 2nd termers naman tulad ko, may initia-- ah nevermind! = p
- December - Recyclable Drive
- January - USB Raffle, Fund Run
- February - High School Vsiit, Orphanage Visit
- March - Habitat, Province Info Campaign
- June - Clothes Sale
- July - Blood Letting, Photo Exhibit, Free Ikot, Photography Contest
- August - Promo CD, RSCC, Food Sale
- September - Sportsfest
- October - Acquaintance Party, Scholarship
katips
