Thursday, November 02, 2006
latest addicition
Korean Films. Yun yun.
Nagsimula ang interes ko sa mga Korean Films nung nagkaroon ng Korean Film Festival sa UP Diliman nitong 1st sem lang. Isang linggo silang nagpalabas ng iba’t ibang films at free admission kaya pumunta ko nung wala kong magawa. “A Day” ang title ng napanood ko. Drama dude. Ang husay ng plot. Although minsan parang pinapahaba lang ang ilang scenes kahit hindi naman kailangan, worth it pa rin panoorin kasi maganda naman ang ending. Paiiyakin ka talaga. Pero pinigilan kong umiyak. Hehe. Siyempre, wala akong panyo. Dyahe naman.
Kaya naman ngayong sembreak, nilulunod ko ang sarili ko sa panonood ng Korean Films. Mabuti na lang merong mga pirated DVDs na 8-in-1 na. Biruin mo, 8 films sa halagang isang daang piso? Huwaw. Amazing grace! Meron din namang Koreanovela DVD na tatagal ng mga 15 hours. P80 - P100 lang din. Sulit na sulit.
So far, ang mga napanood ko na ay “My Sassy Girl,” “My Tutor Friend,” “My Wife is a Gangster,” “The Classic” at “Il Mare.” Masguto ko ang mga Comedy kesa Drama tulad ng "My Sassy Girl." Matagal ko nang naririning yang “My Sassy Girl” na yan eh at maraming nagsasabing maganda kaya hinanap ko talaga. Yung “Il Mare” naman, parang “The Lake House” at “Moments of Love.” Yung “My Tutor Friend” naman ang pinakagusto ko. Comedy. Ang ganda(100x). Simple lang. Feel-good movie. Plus, ang gwapo(100x) pa ng bidang lalaki. Hehe.
Ito ang mga dahilan kung bakit trip na trip ko ang korean films ngayon:
Korean Films. Yun yun.
Nagsimula ang interes ko sa mga Korean Films nung nagkaroon ng Korean Film Festival sa UP Diliman nitong 1st sem lang. Isang linggo silang nagpalabas ng iba’t ibang films at free admission kaya pumunta ko nung wala kong magawa. “A Day” ang title ng napanood ko. Drama dude. Ang husay ng plot. Although minsan parang pinapahaba lang ang ilang scenes kahit hindi naman kailangan, worth it pa rin panoorin kasi maganda naman ang ending. Paiiyakin ka talaga. Pero pinigilan kong umiyak. Hehe. Siyempre, wala akong panyo. Dyahe naman.
Kaya naman ngayong sembreak, nilulunod ko ang sarili ko sa panonood ng Korean Films. Mabuti na lang merong mga pirated DVDs na 8-in-1 na. Biruin mo, 8 films sa halagang isang daang piso? Huwaw. Amazing grace! Meron din namang Koreanovela DVD na tatagal ng mga 15 hours. P80 - P100 lang din. Sulit na sulit.

Ito ang mga dahilan kung bakit trip na trip ko ang korean films ngayon:
1. Mahuhusay ang plot. Pero aliw din yung mga simpleng story lang. Yung usual na cat-dog fight ng bidang lalaki at babae. Kunwari masungit yung lalaki tapos sa kalagitnaan, malalaman ng babae na sweet at mabait din naman pala ang lalaki. At sa huli, sila rin ang magkakatuluyan. Awwww. Mabenta talaga sakin yang mga ganyan eh.
2. Mga nagagwapuhang Korean stars. Yihi. Yun talaga yun eh.
3. Nakakainlab din ang mga bidang babae.
4. Masarap pakinggan ang tono ng kanilang pananalita.
5. At higit sa lahat, naaaliw ako magbasa ng subtitle.

So, may mai-rerecommend ka bang Korean film o Koreanovela? Kung meron, bakit naman yun? At kung wala, eh bakit naman? Kung bigwasan kaya kita. Mag-imbento ka na lang.
Hehe.
just a thought
7 Comments:
oo! hawig sila! may resemblance! ahaha.. :) napanood ko na ung my sassy girl... hehhe.. :) danda.. :) teehihhihi..
Napanood ka rin yung My Sassy Girl! Gandaaa. :) Una nga ayaw ko panoorin, akala ko jologs, ang ganda pala. :) May hawig nga si Aldred kay Ogie ha. Hmm. :)
Napadaan rin. Link ex pwede?
http://jinxedgeness.blogspot.com
Ako naman, ngayon ko lang siya napanood kasi ngayon lang ako nagkaron ng DVD nun. Hehe. Panoorin niyo rin yung "My Tutor Friend." maganda. :D
Sure, redg. Ex link. :D
Adz! San ako makakabili ng mga ganyang 8-1 Koreano Films?? Wah! I want! Support Piracy!
Hey manood ka rin ng Korean Series. Maganda ang My Girl (though I'm sure napanood mo na yun), Green Rose, Memories of Bali. Basta maganda! Hanap ka din ng Chinovela tulad ng It Started with a Kiss. Wah nakakabaliw!
Oi inform moko pag may Korean ekek or Chinese ekek film fest sa UP ha? :)
Hello JK.
Ako kasi sa Lotus Mall dito sa Cavite bumibili. Pero siguro naman kahit san meron. Nagkalat ang pirated DVDs diyan. Don't worry. Makakahanap ka rin. Hehe. Yung friend ko pala sa UP, nakakabili siya minsan sa Philcoa. Baka gusto mong i-try. Hehe. Good luck naman.
Yung My Girl, hindi ko napanood ng buo kaya balak ko din bumili nun ng DVD sa susunod. Siyempre naman, ang gwapo ni Julian. Haha.
Sige. Sige. Inform kita 'pag may iba pang Film Festival. free Admission yun. Hehe. Ansaya.
:D
Para sa isang mejo batikan na sa Korean Wave, I suggest you watch Windstruck... It's a movie shown 2 years after My Sassy Girl. Pero kung papanoorin mo ito you would think that it's a prequel of My Sassy Girl.
Then kung gusto mo ng paiyakan, watch mo yung A Moment to Remember and Wolf's Temptation...
Kung comedy naman, Too Beautiful to Lie and My Little Bride...
Wow. Salamat Robyn. Ang dami. :D
Sa totoo lang, naghahanap talaga ko ng Windstruck dahil may konek daw yun sa My Sassy Girl. Peor wala kong makita. Siguro madami ding bumibili.
Salamat sa mga suggestions. hahanapin ko yang mga 'yan. ;)
Post a Comment
<< Home