Bottomless Happiness: Sunday, February 18, 2007



Sunday, February 18, 2007

after 10 years
Hehe.

Blah-blah List:
One. UP IS NOT FAIR SALE 12 – 17 February UP Sunken Garden
UP Fair 2007. Isang linggong rakrakan. Isang linggong puyatan. Isang linggong boy-hunting. Hala. Haha.

Well, hindi ko naman talaga ginabi-gabi ang pagpunta sa Fair dahil naiintindihan kong kailangan ko din naman matulog kahit tatlong oras lang para hindi naman ako mapagkamalang adik pagadating sa klase ko kinaumagahan. Tatlong araw nga lang ang napuntahan ko – Monday, Tuesday at Thursday. Masakit sa bulsa pero sulit na rin.

Gusto ko kamustahin si Jackie Rice. Kamusta ka naman Starstruck Jackie Rice? Andun siya nung Lunes bilang special guest. At hindi ko alam kung bakit naman naisipan niyang bumanat ng “For All of My Life” at sumayaw ng “I Like You” nung gabing yun. Anlabo. Bukod kay Jackie Rice, andun din si Katrina Halili na kumanta naman ng “Stars” ni Paris Hilton. Maganda ang pagkakakanta niya pero masmaganda pa rin ang katawan niya na maslalo naman naming
naappreciate dahil dumatting siya dun ng nakapantulog. Ayos ‘yan.

Ongapala, nagpapasalamat pala ko sa mga henna guy sa left side ng Fruit Haven booth namin na nag-inspire sakin na magbantay ng booths namin buong gabi. Haha.

Heto na, photo op! Haha. =D



Two. VALENTINES DAY 14 February
I spent my Valentines Day with Ade. Sinamahan ko siyang mag-shopping dahil wala rin naman akong gagawin sa araw na iyon. Nagpunta kami sa DV, Tutuban, nagStarbucks at nanood ng LFS ng “Music and Lyrics” ni Hugh Grant at Drew Barrymore sa Shang.

Btw, si Ade ay isa sa mga finalists ng Bb. Pilipinas 2007. Suportahan natin siya. At belated happy valentines sa inyong lahat. Love. Love.Love. <3>

Three. HOT AIR BALLON FIESTA 11 February Clark, Pampanga
“Weekend of everything that flies!” Saranggola, eroplano, helicopter at hot air balloon. Mangangawit ang batok mo kakatingala at sasakit pa ang mga mata mo kung wala kang dalang sunglasses tulad ko dahil tirik na tirik ang araw at mababadtrip ka pa dahil imbis na magrubber shoes ay naisipan mong magtsinelas na lang, at dahil diyan, uuwi kang puro alikabok ang paa mo. So, nagenjoy ba ko? Hmm. Pwede na.

Bukod diyan, nagpunta rin kami sa Diosdado Macapagal Airport at FedEx. Ganun. Picture-picture.

Four. CHILL 02 February Ipanema Bar and Restaurant
Success! Sold out ang tickets. Ang daming nagpunta. Isang masayang gabi! =D

Sigma Alphans. Salience.


Five. CAYLABNE BAY RESORT 19 – 21 January Ternate, Cavite
Field trip namin sa course kong Resort and Club Management. Nag-Sunset Cruise kami kung saan hindi ko akalain na mabubuggbog ang buong katawan ko. At nag-Luau Party naman kami kinagabihan. Basta, ang mga pictures na lang ang magkekwento sa inyo dahil “picture paints a thousand words” naman sabi ng kanta. For more, maaari niyo ring puntahan ang cheapanggang site ng group namin tungkol sa field trip bilang kapalit ng aming midterm exam. Patawad sa grammatical errors, typo errors at kung anu-ano pang errors. Ginawa namin ang site overnight kasi mga gago kami eh. Hehe.


Ayan. Nakapag-update na. Masaya na ko. Wala ng bumabagabag sa aking kalooban. Hehe.

KUNG HEI FAT CHOI!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home